Note: forwarded message attached.
 
---------------------------------
It's here! Your new message!
Get new email alerts with the free Yahoo! Toolbar.
--- Begin Message ---

Note: forwarded message attached.
 
---------------------------------
Food fight? Enjoy some healthy debate
in the Yahoo! Answers Food & Drink Q&A.
--- Begin Message ---

Note: forwarded message attached.

ARIANNE JOY OLEGARIO-GALOPE
  Program Development Officer IV
  Supreme Court of the Philippines
  Program Management Office
  [EMAIL PROTECTED]
  (632)5529583
  (0928) 7344377

 
---------------------------------
It's here! Your new message!
Get new email alerts with the free Yahoo! Toolbar.
--- Begin Message ---
I will not actually vote for him.  Zubiri is a new
generation trapo. FYI po sa lahat.


Note: forwarded message attached.



 
____________________________________________________________________________________
Food fight? Enjoy some healthy debate 
in the Yahoo! Answers Food & Drink Q&A.
http://answers.yahoo.com/dir/?link=list&sid=396545367
--- Begin Message ---
hi everybody!!
   
  Waway, who sent me a message is a dear friend who is an IP himself.  He is a 
son of a datu in one of the tribes in Bukidnon.. Hope you'd listen to his voice 
and forward this message to everybody who cares for our peoples..
   
  Thanks!!

waway saway <[EMAIL PROTECTED]> wrote:
  Date: Mon, 5 Mar 2007 16:44:55 -0800 (PST)
From: waway saway <[EMAIL PROTECTED]>
Subject: Fwd: FF=>Who is Congressman Migz Zubiri to the IPs?
To: Brenda Batistiana <[EMAIL PROTECTED]>,
dessa quesada palm <[EMAIL PROTECTED]>,
marillys ongleo <[EMAIL PROTECTED]>, iso <[EMAIL PROTECTED]>,
[EMAIL PROTECTED], Ms Tanya Lat <[EMAIL PROTECTED]>



Note: forwarded message attached.    
---------------------------------
  8:00? 8:25? 8:40? Find a flick in no time
with theYahoo! Search movie showtime shortcut.Date: Wed, 28 Feb 2007 14:11:24 
+0800 (CST)
From: Adelina Gayangan <[EMAIL PROTECTED]>
Subject: FF=>Who is Congressman Migz Zubiri to the IPs?
To: [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED],
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED],
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED],
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED],
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED],
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED],
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED],
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED]

  NO TO MIGZ ZUBIRI FOR SENATOR: VIOLATOR OF IP’S FPIC RIGHTS
   
 
Ang mga Katutubong Mamamayan o Indigenous Peoples isa sa mga marginalized 
sector at hindi masyadong nabigyan-pansin nga ating pamahalaan ng Pilipinas. 
Ayon sa 1995 National Commission on Indigenous Peoples o NCIP Census, mayroong 
humigit kumulang 110 ethnolinguistic groups o tribu sa boong bansa na kung saan 
umaabot sa 12.8 milyon ang kanilang kabuung populasyon. Sila ang sector ng 
ating lipunan na madalas biktima ng development aggression sa loob ng kanilang 
mga Lupang Ninuno gaya ng MINING, LOGGING, COMMERCIAL PLANTATIONS, 
BIOPROSPECTING AT BIO-PIRACY sa usaping Intellectual Property Rights (IPR), 
Reservations, PROTECTED AREAS at marami pang iba. Dahil karamihan sa kanila ay 
hindi nakapag-aral sa mataas na antas kumpara sa ibang sector ng Lipunan, 
naaabusu din sila sa pamamagitan ng paggamit nga kanilang kultura sa 
pamamagitan ng ng mga programang Pangturismo ng Pamahalaan. Ang kanilang mga 
tradisyon, sining at makulay na kultura ay madalas na ginagamit at
 kinuko-commercialized sa pamamagitan ng mga Festivals at kung ano-anong mga 
celebrasyon. Ang kanilang pagka-inosenti o kakulangan ng kaalaman sa takbo 
makabagong panahon o modernisasyon ay madalas ring ginagamit at inaabusu ng mga 
malalaking Politiko lalo na sa panahon ng eleksiyon.    
   
  Ayon sa Art. XIV, Sec. 17 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas, nakasaad doon 
na “the State shall recognize, respect and protect the rights of the indigenous 
cultural communities to preserve and develop their cultures, traditions, and 
institutions. It shall consider these rights in the formulation of NATIONAL 
PLANS AND POLICIES”. 
   
  Ang probisyong ito ng ating Konstitusyon ay pinagtibay at ipinatupad sa 
pamamagitan ng Republic Act 8371 o ang tinatawag na Indigenous Peoples Rights 
Act of 1997 o ang Batas na IPRA. 
   
  Ang Batas na IPRA (R.A.8371), sa pamamagitan ng National Commission on 
Indigenous Peoples o NCIP ay gumawa ng mga GUIDELINES kung paano 
mapoprotektahan ang karapatan ng mga katutubong mamamayan, isa na dito ang 
karapatan na “Free, Prior and Informed Consent o FPIC” na makukuha hindi sa 
pamamagitan ng ordinaryong mga konsultasyon o maging plebisito man.   
   
  Ang FPIC ayon sa batas na IPRA ay isa sa pinakamahalagang karapatan ng mga 
katutubo dahil ito ay binansagang “THE INDIGENOUS PEOPLES’ TOOL FOR EMPOWERMENT 
IN ANCESTRAL DOMAIN GOVERNANCE”. Nakasaad sa batas na IPRA na walang sino man o 
ano mang ahensiya ng Gobyerno o Pribadong indibdiwal o grupo ang pwedeng 
magpatupad ng kahit anong gawain, programa, prohekto o polisiya sa loob ng 
katutubong teritoryo (ancestral domain territories) kung walang consensus na 
pagpayag ng lahat ng mga katutubong mamamayan. 
   
  Sa isyung ito, laking gulat ng mga kumakatawan ng “constitutionally at 
culturally aware” na mga Lider ng Katutubong Tribu sa Bukidnon noong marinig at 
makita sa balita na kinumpirma ni Congressman Juan Miguel Zubiri ang kanyang 
pagtakbo sa Senado. Siya pa nga ang pinaka-unang nag-file ng COC sa COMELEC.  
    
  Si Congressman Migz Zubiri may malaking nilabag na karapatan ng mga Katutubo 
sa Probinsiya ng Bukidnon sa pamamagitan ng kanyang pag-akda ng HB 3312 o “Bill 
Creating the Province of Bukidnon del Sur”. Sa totoo lang po, ang Probinsiya ng 
Bukidnon kung saan ibinotong Congressman si Juan Miguel Zubiri sa pangatlong 
Distrito (3rd District) ay kinikilala sa kasaysayan ng Probinsiya bilang 
Ancestral na Teritoryo ng Pitong (7) Katutubong Tribu gaya ng Manobo, 
Talaandig, Higaonon, Bukidnon, Matigsalug, Umayamnon at Tigwahanon. Ito ang 
pinaka batayan kung bakit ang ginawang HB 3312 ni Congressman Miguel Zubiri na 
hatiin ang Probinsiya ng Bukidnon sa pamamagitan ng paggawa ng bagong “Bukidnon 
del Sur” ay kailangan ng Free, prior and Informed Consent o FPIC galing sa 
lahat ng mga Katutubong tribu sa Bukidnon at HINDI SA PAMAMAGITAN LANG NG 
ORDINARYONG MGA KONSULTASYON AT SA PAMAMAGITAN NG ISANG PLEBISITO. Pero ang 
probisyong ito ng Batas na IPRA o R.A. 8371 ay hindi kinikilala ni
 Congressman Migs Zubiri sa pamamagitan ng pagporsegi sa Senado na magkaroon na 
ng Plebisito sa Probinsiya ng Bukidnon na kung saan ay nasisiguro na niya at ng 
kanyang kampo na talagang “YES” ang mananalo sa pamamagitan “majority rule” 
dahil na rin sa maraming migrants o dayong naninirahan at hindi nabibilang sa 
mga katutubong tribu sa Bukidnon. 
   
  Ang HB na ito ni Congressman Zubiri ay pumasa na sa mababang kapulungan ng 
Kongreso at ngayon ay nakasalang na sa Senado. Ito rin ang isang dahilan kung 
bakit malaki ang pagnanais ni Congressman Zubiri na maging Senador upang sa 
mabilisang paraan ay maisulong na ang Plebisito sa paghahati ng Probinsiya ng 
Bukidnon. 
   
  Sa totoo lang, may iilang konsultasyon na ang ipinatawag tungkol dito. Una ay 
ang Hearing sa Senate Committee on Local Government sa pangunguna ni Senador 
Alfredo Lim, ang Chairman ng nasabing Komitiba. Ito ay idinaos mismo sa gusali 
ng Senado sa Maynila. Ang konsultasyong ito ay sinundan pa ng isang Senate 
Hearing Noong buwan ng Agosto 4, 2006 sa Cagayan de oro City sa pamamagitan din 
ni Senador Nene Pemintel. Nong panahong ito, umani ng negatibong na reaksiyon 
galing sa mga “Culturally at Constitutionally Aware” na mga leader ng 
ibat-ibang tribu mula sa ilang lungsud ng Bukidnon ang nasabing House Bill.  
   
  Pagkatapos noon, ibinalik ang naturang Bill sa Senado. Subalit dahil sa isyu 
ng mga katutubong karapatan, mula sa Senate Committee on Local Government ay 
inilipat ito sa Senate Committee on Indigenous Peoples, sa pamumuno ni Senadora 
Jamby Madrigal. Malaking pasalamat namin dahil ang Komitiba ni Senadora 
Madrigal ay malalim ang pagkakaintindi sa karapatan ng mga katutubo, partikular 
sa isyu ng Free, Prior and Informed Consent o FPIC. Ang ginawa ng kanyang 
Komitiba ay pagpapatupad lamang nga Republic Act 8371 o Batas na IPRA. 
   
  Subalit, ang ginawang ito ni Senadora Madrigal pabor sa aming mga lumalaban 
na Katutubo ay umani naman ng violenting reaksiyon mula kampo ni Congressman 
Zubiri, sa kanyang mga taga suporta at sa kanyang ama na si Bukidnon Governor 
Jose Ma. R. Zubiri, Jr. Dahil dito, ang kampo ni Congressman Zubiri  ay gumawa 
pa ng isang OPEN LETTER TO ALL SENATORS sa pamamagitan ng Philippine Daily 
Inquirer, December 13, 2006 issue kung saan kinu-question nila ang hindi daw 
patas na pagtanaw ni Senadora Jamby Madrigal sa naturang Bill. Ang nasabing 
OPEN LETTER ay pinipirmahan mga Local Government Officials at politikong 
ka-alyado ng mga Zubiri, mga sector, pati na rin ang iilang leader ng tribu sa 
Bukidnon na kung saan ang iilan ay “SCANNED SIGNATURES” lamang at hindi genuine 
signatures. 
   
  Kahit pa nga ang Indigenous Peoples’ Provincial Consultative Body o PCB na 
kumakatawan sa pitong tribu ng Bukidnon na kung saan nakasaad sa batas na IPRA 
ay limitado lamang ang kanyang function bilang Advisory Body ng National 
Commission on Indigenous Peoples (Hindi advisory Body ng LGU at mga Politiko) 
ay ginagamit din ng Kampo ni Congressman Zubiri upang ma-justify na suportado 
na “RAW” ng mga katutubo ang kanyang Bill na hatiin ang Probinsiya ng Bukidnon 
sa dalawa. Higit sa lahat, ginagamit din Congressman Zubiri ang Cultural 
Identity at sagradong tradisyon ng mga katutubo ng Bukidnon sa pamamagitan ng 
kanyang pagpapa-adopt at pagpakakasal ayon sa customary law ng mga katutubong 
Bukidnon. Sa naturang seremonya at selebrasyon, ipinatawag at ginastohan niya 
ng libre upang gawing batayan na PUMAYAG NA TALAGA ang mga Katutubong mamamayan 
ng Bukidnon sa kanyang Bill na gagawa ng bagong probinsiya ng Bukidno del Sur. 
   
  Sa totoo lang po at ayon na rin sa mandate ng Akta Republika 8371 o batas na 
IPRA, ang Free Prior and Informed Consent ay hindi pweding magmumula lamang sa 
iilang leader ng tribu kundi ito ay galing talaga sa CONSENSUS na proseso ng 
lahat ng mga apektadong membro nga mga katutubo. Kaya nga ipinasa ang batas na 
IPRA noong Oktobre 29, 1997 upang maituwid ang maraming pagkakamali sa 
kasaysayan (Historical Mistakes and Injustice) na nagawa ng maraming leader ng 
tribu sa lumipas na mga panahon sa pamamagitan ng kanilang MISREPRESENTATION sa 
usaping karapatan ng mga katutubo sa loob ng kani-kanilang mga pamayanan.  
   
  Bilang mga katutubong mamamayan ng Probinsiya ng Bukidnon mula sa tribong 
Manobo, Talaandig, Higaonon, Bukidnon, Matigsalug, Umayamnon at Tigwahanon na 
may sapat na kaalaman sa aming mga karapatan sa loob ng aming mga Lupang Ninuno 
o ancestral territories, kami ay taos pusong nananawagan ha HUWAG IBOTO ang mga 
Politikong hindi marunong kumikilala at lumalabag sa karapatang pantao ng mga 
Katutubo. 
   
  Kaya nga nananawagan kami sa buong bansa, sa lahat ng mga katutubong 
mamamayan, mga sector at mga suportang grupo ng mga katutubo na HUWAG IBOTO SI 
MIGZ ZUBIRI. Hindi na nga niya nagawang kumilala sa karapatan ng mga katutubo 
sa probinsiya ng Bukidnon ngayong Congressman pa lang siya, paano na kaya pag 
siya’y nasa mataas na posisyon na bilang Senador ng Bansang Pilipinas? 
  Mangangahulugan ba itong ang 110 katutubong tribu sa boong Pilipinas na 
kumakatawan sa kabuuang populasyong na 12.8 milyon ay maging biktima rin balang 
araw sa paglabag ng karapatang pantao pag nagiging Senador na si Migz Zubiri? 
   
  KAYA HUWAG KALIMUTAN, HUWAG IBOTO si MIGZ ZUBIRI!    
   
      
  SANA PO AY SUPORTAHAN N’YO. MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY!!!!!!!!!
   
  Sumasainyo, 
    
The Council of Elders of: 
  Bukidnon Unified Tribal Development Council of Elders (BUTRIDCE) 
  Tulugan, Lumalambung, Sumpong, Malaybalay City
    
Contact Person: Datu Umpongan Romando Sambile
                              President
                              
    
---------------------------------
  
Real people. Real questions. Real answers. Share what you know.

 
---------------------------------
It's here! Your new message!
Get new email alerts with the free Yahoo! Toolbar.

--- End Message ---

--- End Message ---

--- End Message ---

--- End Message ---

Reply via email to