Para sa mga duktor....can relate kayo....8)
PINOY LESSONS IN LINGUISTICS

Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang
Radiology
Department kung saan ginagawa ang mga X-rays,
Ultrasound, CT Scan
at
Radiotherapy. Dito ko naobserbahan ang evolution ng
mga pinoy
medical
terms. May mga pasyente o bantay na aking
nasasalubong, ang
madalas
magtanong ng direksyon.


Mga Versions ng CT Scan: (Ganon na rin yon, no!)
1. "Dok saan po ba ang Siete Scan?"
2. "Doc saan po ba magpapa-CT Skull"
3. "Doc saan po ba CT Scalp"
4. "Doc saan po ang CT Scam?"

* Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa

Cobalt Room.
"Doc saan po ba ang Cobal" Yes, laging walang T,
marami na ang
ginagamit
na term ay Cobal. Saan napunta ang "T". Marmi din
kasing
nagtatanong,
"Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?" Conclusion:
Ang "T" ng
Cobalt, ay
napunta sa X-Tray.

* 7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng
instruction sa
bantay ng pasyente, "Mister, punta po kayo sa Central
Block at
magpa-schedule kayo ng X-ray ng pasyente ninyo."

3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang
doktor,
"Mister,
bakit namang napakatagal ninyong bumalik?
Pina-schedule ko lang
naman ang
X-ray
ah." Sumagot ang bantay, "Eh kasi po Doc, ang tagal
kong
naghintay sa
gate, haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po
ang Central
Bank kasi
Sabado ngayon." (Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral
ng Pilipinas,
at
sarado nga naman yon kapag Sabado, hihihihihi)

Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH,
mahal na
mahal
talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may
sakit. Pilit
nilang
tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng
kanilang anak.

Doktor: "Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak

niyo?"
Mrs 1: "Doc phenobarbiedoll po."
Doktor: "Ah baka po phenobarbital." (Gamot sa
convulsion
ang
phenobarbital)

Doktor: "Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng
anak
ninyo?"
Mrs 2: "Doc metromanilazole po."
Doktor: "Ah baka po metronidazole." (Gamot sa amoeba
ang
metronidazole)

Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU
(Post-Anesthesia Care
Unit)
Doktor: "Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak
ninyo,
punta
po kayo sa PACU.
Mrs 3: "Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po
ba
o sa may
palengke?

Doktor: "Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor
kung ano
daw ang sakit ng inyong anak?"
Mrs 4: "Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: "Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang
congenital Heart
Disease ang Tetralogy of Fallot)

Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs. 5: "Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak

ko, Doc!"
Doktor: "Nurse, diazepam please, nag-seizure ang
pasyente!

Doktor: "Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?"

Mrs. 6: May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala
siyang
makitang
senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang
dermatologist para
mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: "Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang sakit
ng
bata?"
Mrs 6: "Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati.
Mataas
daw po
ang
ketong sa ihi dahil may diabetes."
Doktor: "Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa
ihi
ay
senyales
ng kumplikasyon ng diabetes.)

Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) "Mrs.
pumutok
na po
ba
ang panubigan mo?"
Mrs 7: "Eh Doc, wala naman po akong narinig na
pagsabog."
(Hanep!)


Yahoo! FareChase - Search multiple travel sites in one click.

Ask our other classmates to subscribe, tell them to send an email to:
[EMAIL PROTECTED]







SPONSORED LINKS
Philippine phone card Philippine hotels


YAHOO! GROUPS LINKS




Reply via email to