Grabe nato

KARAMA SHOCKING!!!!!!
 
MGA KABAYAN!!! mag ingat po sa mga DVD Vendor
 
Isa na naman pong babala sa atin lahat lalong lalo na po doon sa mga may mga 
anak at kasamang katulong.
 
Isang pangyayari na naman ang naganap sa Karama malapit sa Al Attar, eto po and 
mga eksena:
 
 
Isa pong kabayan natin ang mag-asawa si Ms. Dina at Mr. Pete Reyes ang 
nakaranas ng malagim na pangyayari, eto po ay napalabas na sa The Filipino 
Channnel "Balitang Middle Eeast" at na file na din po itong case sa Bur Dubai 
Police Station.
 
While Ms Dina and Mr. Pete at work, usually ang naiiwan lang sa bahay nila ay 
ang katulong na nagngangalan Marissa at ang 6 mos old baby boy miracle boy we 
should say despite of what happened.
 
May DVD vendor pong nag doorbell sa pintuan ng mga pamilya Reyes at madalas na 
rin ibilin ng mag asawa na hwag magbubukas ng pinto kung hindi kakilala, likas 
po sa mga katulong ang minsan matigas ang ulo, ayun at bunuksan pa rin ang 
pinto ayon sa pagsasalaysay ni Marissa sa mga Police naiinip lang daw sya at 
parang gusto nyang manuod ng DVD film kaya nya ito napagbuksan ng pinto: 
 
eto na po ang karumal dumal na pangyayari, pagbukas daw po ng pinto ng katulong 
eh tinulak ng isang lalaki ang pinto hindi nya namalayan na may kasagwat pa 
itong lalaking nag doorbell at dali dali nilang tinulak ang pinto at naglabas 
ng kutsilyo ayo sa kwento ng katulong, tinutukan daw sya at walang nagawa dahil 
sa sobrang lakas ng mga tumulak ng pinto eh wala na syang lakas para isarado 
ulit ang pintuan ayun sa report ng katulong 2 lalaking lahi ay Pakistani 
itinali daw ang mga bibig nya at paa pati kamay sa loob ng banyo at walang 
nagawa ang katulong sa pagsigaw ng saklolo, dahil nung oras na yun ay halos ang 
mga nakatira sa building eh pumasok sa trabaho, halos mabilis ang pangyayari 
habang nakakulong ang katulong sa banyo napasok na ang kwarto ng 2 lalaking ito 
ang kwarto nila Mrs. Reyes at nasira ang mga drawer na may laman ng mga alahas 
at higit sa lahat ang pambyad nila sa renewal ng flat ng mag-asawa na 
nagkakahalagang 31,000Dhs, Laptop, printer,
 video cam etc.. dahil sa sobrang madali ng mga magnanakaw naiwan ang mga 
saksakan ng mga electronic device at yung ibang eh nakitang ipinantali sa mga 
kamay ng biktimang katulong....
 
Ang kaawa awang eksena dito ay ang batang umiiyak at buti na lang maliit pa at 
hindi nahulog sa kama , gutom na gutom sa paghingi ng gatas at iyak ng iyak sa 
sobrang gutom, walang magawa ang katulong dahil ito ay nakatali at walang 
masigawan dahil pati bibig ay nakagapos din.  sa pagdaan ng Natoor ng building 
para maglinis eh napansin kagad ng Nator ang bahay nila Mrs. Reyes na iniwang 
bukas at naririnig ang batang umiiyak, sa kabaitan nitong natoor pinasok ang 
kwarto at nakita nya halos kalat kalat ang bahay na tila may nakawang nangyari, 
nung marining ang kaluskus sa banyo nakita ang katulong at ayun tinulungan 
makakalag at ang bata salamat sa diyos naagapan.
 
tinawag ng nator si Ms. Dina at dalian umuwi galing ng work halos himatayin sa 
mga nangyari at mabuti na lang ng isinugud ang batang nangingitim may buhay pa 
ito at kagad itong dinextrose.  Miracle Baby" kung ating iisipin ilang oras 
umiiyak ang bata sa gutom at hindi nahulog sa higaan nya sa kama .
 
Sa kasalukuyan ay pinakulong nila Mr and Mrs. Reyes ang katulong pansamantala 
habang iniimbistigahan pa ang kaso dahil napag alaman sa isang kaibigan ni 
Marissa katulong nila Mrs. Dina na May Boyfriend itong ibang lahi na laging 
pinapapasok sa bahay pag walang mga amo.....
 
Sa pananaw nila Mrs Dina bakit alam kung saan nakalagay ang pera na pambayad sa 
Flat pati mga Laptop at mga Jewelry marahil siguro napag isipan ng mag 
boyfriend na gumawa ng eksena at kunwari pati sya ay ginapos.....
Hindi man lang naawa sa batang 6mos. pa lang sa mundo
 
 
Kaya mga Kabayan konteng ingat lang po sa mga kasang bahay natin, iilan lang po 
ang pwde nating mapagkatiwalaan......
 

 
Lizah De Castro 
 



      
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"filex2007" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/filex2007?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Message protected by MailControl: e-mail anti-virus, anti-spam and content 
filtering.
http://www.mailcontrol.com

Reply via email to