ANG LAYBRARYAN SA KASALUKUYANG PANAHON
Ikawalong Bahagi ng Isang Serye
Ang pagkakaroon ng isang kurso tulad ng Introduction to University Lifeng
California State University o Introduction to Lifelong Learningbilang programa
para sa mga mababa at mataas na paaaralan sa Pilipinas ay hudyat upang
maisakatuparan ang pagyakap ng mga laybraryan sa kampanyang kinakailangan ng
Information Literacy.
Ang teacher identity ng laybraryan ng anumang tanggapan ay lubhang
maitataguyod dahil na rin sa ang pagtuturo, ayon kay Rockman (2004), ay isang
katangi-tanging inaasahang kasanayan na mayroon ang propesyong laybraryan sa
kasalukuyang panahon habang dumarami ang hamong nakaakibat sa paghahanap,
pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon mula sa walang tigil na
pagdaloy ng iba’t-iba at nagbabagong pagmumulan – elektroniko man o tradisyunal
– na siyang haharapin ng lahat ng tao. Nakapaloob sa konsepto ng teacher
identityang maraming salik tulad ng preparasyon sa pagtuturo, suporta ng
administrasyon, multiple demands atstereotyping bilang isang guro at
laybraryan. (Walter, 2005)
Bagamat abala ang mga laybrayan sa pagdidisenyo ng kanyang serbisyo -
paghahanap, pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon at metadata– ang
katangi-tanging inaasahang kasanayan gamit ay teaching portfoliosay
ginagantimpalaan din at magbubunga ng tagumpay para sa kampanya ng Information
Literacy hatid ng isang malusog na kultura ng pagtuturo o healthy culture of
teaching sa organisasyong kinabibilangan.
Nararapat lamang na bigyan-diin o palalimin pa ng laybraryan ang kanyang
nalaman sa pedagogiya, banghay sa pagtuturo at ebalwasyon ng pagkatuto ng
mag-aaral upang maging epektibong mga guro na maghahatid ng literasiya sa
impormasyon.
Ayon kay Goodin (1991), ang mga mag-aaral na naturuan ng mga kasanayan sa
konteksto ng information literacyay pumuntos ng higit sa pangkalahatang
pagsusulit kaysa sa mga mag-aaral na di naturuan.
Ng ituro ang mga kasanayan sa konteksto ng pagbibigay lunas sa mga suliranin
gamit ang impormasyon sa mga asignatura, naging positibo ang epekto nito sa
pagkatuto at gawi ng mga mag-aaral. (Todd, 1995)
Click for previous parts:
http://anglaybraryan.blogspot.com/2008_02_01_archive.html
Send messages for inquiries on LIBRARY & INFORMATION LITERACY POWER PACKAGES
scheduled on September 10-11, 2008, Conference Room, PNU Library Building or
text a message @ 09187318010; leave a message @ 302-7717
Get your preferred Email name!
Now you can @ymail.com and @rocketmail.com.
http://mail.promotions.yahoo.com/newdomains/ph/
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to [EMAIL PROTECTED]
For more options, visit this group at
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---