ANG LAYBRARYAN SA KASALUKUYANG PANAHON
Ikasiyam na Bahagi ng Isang Serye
Walang nakapasa sa ginawang classification literacy testpara sa L o Education
information sourcesna may 60 porsiyentong mag-aaral mula sa ikadalawang taon at
40 porsiyento naman mula sa ikaapat na taon sa kursong Edukasyon. Natamo ang
65 porsiyento bilang pinakamataas nang puntos o tatlong tamang sagot na lamang
ang kinakailangan upang maipasa ang nabanggit na literacy test. Ang pagsusulit
na ito ay isang parte lamang sa ginagawang pananaliksik tungo sa pagsuri,
pagkilala upang makamit ang isang hanay ng mga inaasahang kaalaman o learning
outcomessa pagtantiya sa karunungang mayroon ang mga mag-aaral patungkol sa
klasipikasyong Library of Congress, lalung-lalo na ang L o klasipikasyong
Edukasyon sa kanilang pagpili ng mga panggagalingan ng mga impormasyon.
Umaasa ang ACRLo American Library Associationna ang isang indibiduwal na may
literasiya sa impormasyon ay nakakapili ng pinakatamang sistema sa pagkuha ng
mga ninanais na impormasyon. Ito ay isang indikasyong hinihingi sa pagganap ng
mga pamanatayan ukol sa mga kasanayan para sa Information Literacyat inaasahang
ipinamamalas na mabuti na may kagalingan ng bawat mag-aaral.
Natuklasan na isa sa mga pinakamahirap na aytem ay ang pagkaalam sa
kasalukuyang bilang o dami ng bibliographic entries na mayroon ang
elektronikong katalogo o talaan sa Edukasyon. Kasama dito ang pagkaalam din sa
bilang ng mga sangay ng karunungan na nakaugnay sa klasipikasyong Library of
Congress; di matunghayang gamit ng I, O, W, X at Y; at interpretasyon ng
decimal pointsa paghanay ng mga libro at ibang babasahin sa istante.
Batid ng mga mag-aaral na ang L ay ang tamang letra o klasipikasyon na may
kaugnayan sa kursong Edukasyon at hindi H - para sa mga agham panlipunan- o P
- para naman sa lingguwistika at literatura. May kamalayan ang mga mag-aaral
na hindi nahahati sa sampu lamang ang klasipikasyong kanilang nakikita sa
aklatan bagaman hindi alam na ito ay binubo ng dalampu’t-isang sangay mula sa
klasipikasyong Library of Congresssapagkat mas hayag sa kanila ang sistema at
klasipikasyong Dewey Decimalmula elementarya hanggang hayskul.
Nakatutuwang banggitin na 50 porsiyento sa mga mag-aaral ay alam kung ilan ang
bibliographic entriesna mayroon ang elektronikong katalogo o talaan ang ALLAN
C. ORNSTEIN, manunulat ng Strategies for Effective Teaching. Maging ang libro
na ang pamagat ay The Magna Carta for Public School Teachersay naihahanay at
nakapuwesto nga sa LB at hindi sa LA.
Mahihinuha mula sa dalawampung aytem na inihanda ang mga kahinaan at kalakasan
patungkol sa kamalayan o kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang pagpili ng mga
panggagalingan ng mga impormasyon gamit ang L o klasipikasyong Edukasyon.
Pagpapatunay at bilang isang halimbawa, Teaching Science as Continuous Inquiry,
Roweay matatagpuan sa LB 1585 ng klasipikasyong Library of Congress habang ang
Essentials of Elementary Science, Dobeyay nakahanay sa Q 181. Parehong silang
nakategorya bilang mga Science information sourcessa DDC ngunit may pagbabago
kung ang gamit naman ay LC.
Click for previous parts:
http://anglaybraryan.blogspot.com/2008_02_01_archive.html
New Email names for you!
Get the Email name you've always wanted on the new @ymail and @rocketmail.
Hurry before someone else does!
http://mail.promotions.yahoo.com/newdomains/ph/
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to [EMAIL PROTECTED]
For more options, visit this group at
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---