Unang Bahagi ng Ikalawang Serye Mapapakinabangan ng bawat laybraryan ang 
pagpapamalas ni Michael
Stephen ng isang balangkas upang makabuo ang sinuman ng isang rubikong
presentasyon ng isang onlayn or web-based reader service na hindi lamang 
naglalaman ng serbisyong puro teksto o karaniwang higit
pa dito bagkus nagtataglay ng karagdagan at marami pang inobasyon. 

Isang klasikong rubiko, Cube o bloke na maaring buuin na mahihinuha sa 
konseptong hyperlinked library ni Stephen ay maaring hati-hatiin sa anim na 
mukha na may siyam na
padikit ang bawat isa na may pare-parehong kulay. Kinakailangan lamang
na ang bawat mukha ng bloke ay buo at iisa na lamang ang kulay
(Wikipedia, 2009): 

White, The
Library is transparent; Red, The Library is participatory and harnesss
user-generated content; Blue, The Library tells stories; Orange, The
Library plays; Green, The Library makes connections; Yellow, The
Library learns (http://tametheweb.com/)


Maaring patuloy na maragdagan nito di lamang ang pagtaas ng bilang ng
mga indibiduwal na dumarako sa mga elektronikong pagmumulan ngunit pati
na rin ang isang porsiyento sa kasalukuyan na ang inuunang tangkilikin
ay ang elektronikong sayt ng laybrari. 

 Nahahayaan at pinauunlakan ang mambabasa na maging modereytor o content 
provider sa isang padikit bilang diretsong pagpapahalaga sa maaring magawa nila 
sa serbisyong onlayn ng silid-aklatan o laybrari.


May sariling sayber-kansilor ang sayt ng laybrari upang siyang maging
tagapakinig sa anumang virtuwal na kalagayan mayroon ang kostumer na
umaasang matutunghayan ang impormasyong nililiyag. 

 Ang
istilo ng komunikasyon ng laybrari ay bukas at hindi kailanman
nakikipagtaguan, pinid o may tabing dahil ang bahay-gagamga ay hayag,
otentiko ang pakikipag-ugnayan at ganap bilang isang komunidad.


Pinayayaman nito ang karanasan ng bawat kasapi dahil na rin sa mga
inobatibong serbisyo at pagsisilbi bilang daluyan ng mga talakayan,
plataporma, at pagpapakilala di lamang ng mambabasa kundi kasama pati
ang mga kawani ng laybrari. 

  Inilalahok nito ang lahat sa isang pakikipagniig tungo sa kolektivong 
katalinuhan o kaalaman bunga ng pagiging newbie na may angking kasabikan, mga 
sariwang ideya at may kahandaang lumago sa bawat pakikipagsapalaran gamit ang 
sayt ng laybrari.

Ang
presensiya rin ng laybrari sa virtuwal na kalagayan di lamang sa
kanyang kasalukuyang katayuan ay isang hamon tungo sa kagila-gilalas na
mundo, ang Ikalawang Buhay o Second Life.  Ang inisyatibo sa pagbili ng 
virtuwal na lupa o karapatan sa Ikalawang Buhay o Second Life ay isang 
katangi-tanging at inaasahang programa na kalulugdan lalong
higit ng mga indibiduwal na gustong-gusto ang ang biswal na
teknolohiya, bilis ng takbo, eksena at kalantaran ng kaalaman bilang
tugon sa anumang katanungan.


I AM PAARL! 


      Yahoo! Toolbar is now powered with Search Assist.Download it now!
http://ph.toolbar.yahoo.com/
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to