Ikapitong Bahagi ng Ikalawang Serye (II:7, 2009 Hulyo) 
Sa elektronikong pakikipagtransaksyon man o hindi, nawa ay maranasan ng
mga mambabasa ang mga pinakamaiinan na tugon sa sampu na laging
kinahaharap at inaasam sa pagpasok ng silid-aklatan: maramdamang
inaasahan, napapanahong serbisyo, maramdamang inaalagaan, maayos na
serbisyo, maintindihan, makatanggap ng tulong o assistance, maramdamang
mahalaga, matanggap, makilala at maalala, at maalayan ng respeto (Quality 
Customer Service).

Ang
mga kawani ng laybrari, sa pangkalahatan, ay sinasapantaha ang mga
pangangailan at motibo ng tagatangkilik upang mapagsilbihan sila at
maihandog ang katangi-tangi sa paglilingkod. This
requires active, empathic listening that picks up on the nuances of the
conversation—the implicit as well as the explicit content (Flannery,
2007). 

Sa
kabilang banda, nararapat na pasalamatan ang mga nasa laybrari dahil sa
nagagawa nitong ilahok bilang bahagi ng kanilang programa ang mga
sopistikadonge-guides mula sa Internet ng libre o walang bayad sa mga 
mag-aaral, kawani, at fakulti.  Tulad na lamang ng Vault Career, 
http://www.cogswell.edu/vault.htm na isang onlayn na pagmumulan. Kung mag-isang 
tatangkilikin ng
mag-aaral, kakailanganin ng 1,500 na dolyares upang mabuksan ito at
suyurin ang higit sa limampung guides na mayroon ito.  Ang isang laybrari ay 
maaring makabili nito sa napakamurang halaga na mas marami ang makikinabang. 

Kung
matanong patungkol sa pagpili ng kurso, bilang halimbawa, handa at
ipinapakita ng espesyalista ng laybrari ang mga durungawan para sa
industriya ng pagpapayo tampok ang mga kuwento, opinyon, mabubuting
karanasan ng mga prominenteng personalidad mula sa iba’t-ibang panig ng
mundo kung bubuksan ang Vault Career.
Ang rekomendasyong ito na hiniling na magkaroon at nabili ng laybrari -
elektronikong pagmumulan- na nanggaling sa Sentro ng Karera ng
pamantasan ay karapatdapat ring pasalamatan. 

Ang mapagyamang
karanasan sa laybrari, kapag nabanggit at inihayag sa iba ay
nagpapaalala kung paano ang mga kawani ay tumutupad, tumutulong at
nagpapamalas na may paggalang, kapantayan at katapatan sa bawat
kliyente. Magbubunga ito ng masayang kundisyon sa serbisyong
pangkostumer na kung saan masosorpresa ang kliyenye ng isang mabiyayang
pananatili sa laybrari dulot na rin ng elektronikong pagmumulan na di
sinapantahang lubhang malaki ang maiidudulot sa kanya bilang
mananaliksik.

Ang mapasaya ang bawat isa, kasama dito ang mga
nagsisipaglingkod ay pagbubuo ng isang kultura na ekselente sa
serbisyong pangkostumer. Customer
service standards so that you consistently, and to the endless pleasure
of your customers, is a culture that delivers customer service
excellence (Welsh, 2009). 

Iisa
lang ang pumupuno sa isipan ni Jamlid, estudyante mula pa sa ibang
bansa, kundi maisalita at maipadama kung gaano siya lubos na natutuwa.
Kakahanap pa lamang kasi niya ng isang e-book na kanyang nabasa na inilalako sa 
onlayn noon 2006 at nabasa muli upang makapag-print ng ilang bahagi mula sa 
Control of Cognitive Processes: Attention and Performance XVIII na inedit nina 
Stephen Monsell at Jon Driver bilang isang elektronikong libro ng Google.
Dahil sa sitwasyong ito, nagkaroon ng isang kaiga-igayang panahon o
engkuwentro si Jamlid kasama ang kanyang laybraryan na nagsuperbisa ng
paghahanap.

To predict
satisfaction, we’ve got to know two things. First, how did the customer
perceive the service? Perception is all in the mind. Two different
customers might perceive the same service in very different ways.
Second, what were the customers’ expectations? Were they in line with
the firm’s ability to deliver service, or, were they unrealistic
(Lovelock, 1994). 


Ang manunulat ay naging tagapagsalita sa Manila City Library (dalawang sesyon) 
para sa kanilang forum: Public Relation Towards Our Clientele noong Hunyo 3, 
2009 sa Main Library (Reference Division), Manila City
Library, Sining Kayumanggi, Mehan Garden, Ermita, Manila at nakadalo sa
isang forum na may pamagat na Valuing Library Services bilang PRO o opiser ng 
PAARL noong Hunyo 24 sa Seminar Room ng Megatrade Hall 1, Megamall Building 1.


      Get your new Email address!
Grab the Email name you've always wanted before someone else does!
http://mail.promotions.yahoo.com/newdomains/ph/
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to