Ikalabing-isang Bahagi ng Ikatlong Serye (III:11, 2010 Nobyembre) 
Ipa-SWOT ang Serbisyong Referens!

Katotohanan!  Katotohanan!

Ang impluwensiya sa mga tumatangkilik ng mga proyektong may kaugnayan sa 
dijitiseysyon, tulad ng Google Book Library Project, ay magtutulak sa mga 
administreytors ng laybrari na magkaroon nito o kaya naman ay mawalan ng market 
o mga tagasubaybay.

Kung
ang kliyente ay masidhing hihiling ng mga koleksyong dijital na siya
namang inaasahan, ang mga laybrari ay mapipilitang bumili nito o
maglaan ng mga programang may kaugnayan dito. Maaring ibawas ito sa
badyet na laan para sa koleksyong printed ng serbisyong referens at ang
epekto nito ay malaki. Binanggit ni Milagros Santos-Ong noong 2006 sa
Kimberly Hotel, Maynila sa isang forum na may pamagat na Information and 
Communications Technology in Library Trends, Security & Ethics”
na ang pondo ay isa sa mga tinututukan kasama ang isang mainam na
proposal na kinukunsidera ng mga tagapangasiwa kung magdidijitays ba o
hindi. Idinagdag pa niya nasa pagpupunyagi naman ng laybraryan kung
paano niya mahihimok sila upang maaprubahan ang proyekto. 

Sa
panig naman ng mga tagatangkilik, isa itong kabiguan kung di
masusumpungan sa laybrari bilang serbisyong referens. Isa lang naman
ang nais nila - superior library service.
Ang koleksyong dijital ay kongkretong serbisyong panglaybrari na
superyor. Kung wala nito ang laybrari, di babalik, ikalulungkot ng
tagatangkilik at hahantong sa iba na mayroong panggagalingan.

Sa bahay-pahina ng DLSU, http://www.dlsu.edu.ph/library/ ay isang demong onlayn 
ang nagaganap, at ipinamamalas nito ang isang trayal na akses ng myiLibrary, 
http://www.myilibrary.com/ – pinaka-komprehensibong onlayn na platform na may 
e-kontent laman ay higit na 175,000 elektronikong mga libro. 

Nauunawaan
ng mga laybraryan at ng mga tagalimbag na isa itong kaakit-akit at
pambihirang pagmumulan ng impormasyon handog ng laybrari sa mga
mambabasa. Napakasimple lamang ang dapat gawin upang magkaroon ng
akses: 1. magkaroon ng akawnt at pin; 2. makapagbraws ng mga paksa
alinsunod sa sa pagkakahati ng kaalaman sa LC, mula General Works (A) hanggang 
Bibliography, Library Science, Information Resources (Z) o mamili ng pangalan 
ng tagalimbag o kaya naman maglagay ng isang paksa sa kahon ng Quick Search 
para sa sa mas mabilis na paghahanap ng elektronikong libro. Ilan sa
mga matutunghayang katangian nito ay ang pagkakaroon ng diksyunaryo,
sayteysyon (istilong APA, Chicago, Harvard, MLA) na mismo ang
myiLibrary, ang otomatikong gumagawa, paglalaan ng tanda sa mga
nabasang pahina, nadadawnlowd din ang mga ito at iba pa.

Dahil sa ito ay elektroniko, ang myiLibrary ay maaakses sa labas o loob ng 
paaralan, in-campus or off-campus, tulad ng mga elektronikong dyornal na 
mayroon ang mga pamantasan.  
  
  
 
________________________________
 Try the new Yahoo! Messenger 10 Beta 
Now with real-time updates, enhanced video-calls and more!


      Interested in growing your business? Find out how with Yahoo! Search 
Marketing! Check it out at 
http://searchmarketing.yahoo.com/en_SG/arp/internetmarketing.php?o=SG0147

--

You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected].
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected].
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/filipinolibrarians?hl=en.


<<inline: --static--liam_crowdsurfer_bottom.gif>>

Reply via email to