To join PAARL's Exciting Hong Kong, deposit Php6,000.00 before June 28 to avail
promo and see also the attached for details:
http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/exciting-hong-kong
ACCOUNT: any BPI Family Savings Bank nationwide with Account No. 595-107-8206.
Checks must be payable to “PAARL”

To join PAARL-ABAP 15th Philippine Academic Book Fair, click also for
invite/details:
http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/library-service-andteachingportfolios

Click also:
http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/si-amaya-ang-pamamahala-at-si-humadapnon

Si Amaya, ang Pamamahala at si Humadapnon
Ni G. Roderick Baturi Ramos

Tawa kami ng tawa ng aking mga binukot na mga anak na sina Heaven at Bituin ng
napamangha si Mantal at banggitin sa harapan nila Dian Lamitan at Marikit na
gulat na gulat sa di inaasahang marinig mula sa nakakatandang kapatid at
katuwang ni Lamitan na tunay nga palang napakaganda ni Amaya, anak ni Datu
Bugna kay Dal’lang na isang uripon. Magmula ng matunghayan ng aking mag-iina
ang eksenang ito ay walang puknat akong tawaging baba at iloy naman si Julie
ang aking asawa ng mga bata.

Hindi naman ikatutuwa ng sinumang laybraryan ang may ugaling Dian Lamitan sa
kanyang mga tauhan. Ayon na rin sa isang babaeng hubad ang itaas na bahagi ng
katawan tulad nina Ahak at Kayang, si Dian Lamitan, ina nila Marikit at
Binayaan ay namamahalang walang lahok ng puso lalo na sa mga alipin at timawa
ng banwa ni Datu Bugna. Ito ay masasaksihan ng maraming beses sa epikseryeng
ito ng Kapuso: una, sa pag-utos niyang pikpikin gamit ang isang kahoy na putol
ni Agang sa bibig si Dal’lang hanggang sa ito’y magdugo ng maulinigang maaaring
di uripon bagkus magiging timawa o malaya ang nasa kanyang sinapupunan;
pangalawa, ng hagupitin ng pamalo ni Badu si Dal’lang habang nag-aani sa utos
na rin ni Dian Lamitan at pangatlo ng itapon sa malayo ang kawawang si Dal’lang
pagkatapos makapanganak.

Tatlo mula sa mga maaring pagmumulan ang Hinilawod : Adventures of Humadapnon
isang libro ni Jocano at Ang Datu ng mga Sulod : Isang Dulang Pampelikula ay
tesis ni Aquino na mayroon sa aklatang DLSU. Ang isa pa ay ang Sulod society :
a Study in the Kinship System and Social Organization of a Mountain People of
Central ni Jocano rin. Maaaring basahin ang mga ito upang lalong mas malalim na
maunawaan at tangkilikin ang sugidanon patungkol kay Amaya, ang binukot na may
kakambal na ahas, o ang huling prinsesa, Isiang, na nasa isa sa mga sulod ng
Capiz na maaari lamang marating pagkatapos lakbayin ang pitong bundok ng mga
Panay-Bukidnon,

Makikilala si Hugan-an, isang susi, upang maidokumento ang sugidanon patungkol
kay Buyong Humadapnon noong taong 1955 sa Central Pan-ay. Sa librong Hinilawod
ni Jocano, tanyag si Hugan-an bilang tanging babaylan na makakaawit ng kumpleto
o dasal ng pakikipagsapalaran ni Humadapnon at iba pang mga bida ng liping
Sulod. Hindi biro-biro o simpleng gawain ang pagdodokumentong ginawa ni Jocano
sapagkat ito rin ay mapanganib di lamang sa nanaliksik o kay Hugan-an.
Mababatid pahapyaw kung bakit kung aalamin kung para saan at anong ibig sabihin
ng mga sumusunod: “Suyung-suyung pay, pamlang, kun katuod may dalongdong...”
Kinakailangan ding mag-alay ng isang itim na baboy, pitong pulang tataw o
tandang at pitong babaing manok upang payapain o matuwa ang mga kaibigang
espiritu kung sila ay tinatawag sa gabi man o sa umaga.

Ang isa sa mga inawit ni Hugan-an ay nagsasabing di pa nakakasumpong si
Humadapnon ng babaing, Nagmalitong Yawa, kanyang pakakaibigin. Isang babaing
tulad niya ay may ginintuang buhok, kapantay niya sa angking kapangyarihan mula
pagkapanganak, ranggo, dugo at ubod ang kagandahan. Ngunit di madali para sa
datu at sa kanyang kapatid, Dumalapdap, sa kanyang barangay, biday at mga
magulang, Burulakaw at Ginbitinan. Hanapin ang librong ito, malilibang at di
magsisising basahin: Hinilawod: Adventures of Humadapnon (Tarangban I) ni F.
Landa Jocano na may klasipikasyong PL 6189 P36 A5225 2000.

DISCLAIMER AND CONFIDENTIALITY NOTICE

The information contained in this e-mail, including those in its
attachments, is confidential and intended only for the person(s) or entity(ies)
to which it is addressed. If you are not an intended recipient, you must not
read, copy, store, disclose, distribute this message, or act in reliance upon
the information contained in it. If you received this e-mail in error, please
contact the sender and delete the material from any computer or system.

Any views expressed in this message are those of the individual sender
and may not necessarily reflect the views of De La Salle University.

You received this message because you are subscribed to the Google Groups
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected].
To unsubscribe from this group, send email to
[email protected].
For more options, visit this group at
http://groups.google.com/group/filipinolibrarians?hl=en.

Reply via email to