See the attached or click for gate pass to MIBF... http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/ibc-2011-32nd-mibf-gate-pass-4
Roderick Subject: Hospitalidad ng PAARL’s Outstanding Libraries See the attached. Click, too: http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/hospitalidad-ng-paarls-outstanding-libraries-on-publisher Hospitalidad ng PAARL’s Outstanding Libraries Hospitalidad ng PAARL’s Outstanding Libraries Katangi-tangi ang hospitalidad na ipinamalas ng direktor ng Rizal Library sa Ateneo de Manila University, Gng. Lourdes David. Katulong ang morenang palangiting si Karryl Sagun, magandang laybraryan ng referens, si Lourdes, at siya na nga mismo ang gumabay o nagsilbing library tour guide sa paggala ng mga laybraryan sa loob at labas ng mga silid-aklatan ng ADMU. Binigkas niyang espesyal ang grupong PAARL’S TOUR OF OUTSTANDING LIBRARIES na bumisita upang mag-benchmarking sa apat na mga teripikong mga aklatan sa kalakhang Maynila na matatagpuan sa DLSU, ang Miguel de Benavidez Library ng UST, at Asian Development Bank. Hanggang alas sais ng gabi noong Lunes (Agosto 22), otentikong inihayag ni Lourdes ang pasasalamat sa PAARL, Inc. at palagiang pag-imbita sa mga kalahok na dumako, bumalik, magsama at mamasyal sa Rizal Library at mga moog para sa museo at ispesyal na mga koleksyon ng libre o walang bayad tulad ng American Historical Collection, ALiWW, Pardo de Tavera, Matteo Ricci Study Hall, Microform Reading Center, at bagong gusali ng Rizal Library. Ito ay isang pribilihiyong laan sa ating mga kapwa laybraryan ayon pa sa napakabuting guro na rin ng Library Science. Napamangha ang mga taga-Cabanatuan, maging ang mga taga-Silang sa mga itsura ng mga bilding, loob-looban ng mga information commons ng mga nabanggit na mga pinuntahan. “Kapanga-pangarap ang taguriang Espresso Book Machine ng ADB,” wika ng isang laybraryan ng isang internasyunal na eskwelahan. Milyong piso ang nailagak sa makinang ito ayon sa isang namamahalang Indiyan upang tumugon sa demand-driven (banggit ni Gng. Nelia Balagapo) na gawi ng mga kawani ng ADB. Ang ADB at Tokyo, Japan pa lamang ang mayroon nito. Ang EBM ay gumagamit ng isang software at sa pamamagitan ng isang deytabeys, maiiprint nito ang katumbas na librong pinili, tumpak ang kulay, sukat at laman ng libro sa loob lamang ng limang minuto. Parang isa itong ATM o drive-thru service, kadudutdut sa teklado, maya-maya, nariyan na ang nilulunggating mainit-init mula sa oven na babasahin. Literal talagang mainit-init na libro ang ididispensa o ihuhulog sa saluhan ng Espresso Book Machine. Kakaiba at ekselente ang disiplina at sining ng mga taga-UST sa aspeto ng pag-aarkayv. Napa-WOW! O napabilib ang tatlungpung (30) turista sa nasaksihang pag-aaruga sa mga materyales o dokumentong institusyunal, personal, historikal at iba pa. Marururok mula sa kanila ang isang industriya sa isang akademikong establisamento: ang industriyang gagastusan, pananatilihin habangbuhay, ipipriserba, iingatan at ilalayo mula sa mga panganib. Huwag kalimutang dumako sa mataas na palapag ng Miguel de Benavidez Library upang matunghayan kung ano ang di nakikita sa araw-araw na matutuklasan lamang sa mga interyor na mga lugar nito. Maaring kontakin si Bb. Ana Rita Alomo, mahusay na pasiliteytor-laybraryan, kung ninanais mabighani at mapa-WOW tulad ng isang babaing laybraryang kasama mula sa Tsina, tigatatlong partisipante mula sa Letran, San Beda, Adventist University of the Philippines, TIP-QC, College of the Immaculate Conception! Di naman makakalimutan ng karamihan ang kanilang unang-unang pagyapak sa gusali ng DLSU. Maaliwalas, malinis, may kaliwanagan ang bawat sulok, malamig, umpok ng mga libro at kasangkapan ang paligid at kahali-halina ang envayronment sa loob ng laybrari ng DLSU. Ito’y mga pananalitang karaniwang mauulinigan mula sa sinumang dadako. Lubos nilang pinasasalamatan, lalung-lalo na ang uri ng pakikipagniig at pag-aalay ng oras ng dalawang laybraryang unang kanilang nakadaupang-palad noong umaga ng Lunes (Agosto 22): Gng. Willian Frias at Gng. Marita Valerio sa bawat isa. Nakasuot ng puting damit na may disenyo ang mga partisipante bilang souvenir o alaala na mula sa kabutihang-loob ng C & E sa pamagitan ni Gng Cham Carlos. Ang mga laybrari ng DLSU, UST, ADB at ADMU ay tampok o tinaguriang mga Outstanding Libraries ng fully-engaged-member-driven association, PAARL, Inc. ayon sa pagkakasunod-sunod, 2003, 2005, 2002, at 2006. Kasama sa aktiviti na ito bilang partisipante at tagaorganisa ang ilan sa mga opiser ng PAARL, Inc.: Pangulong Roderick B. Ramos (manunulat nitong artikulo); Carolyn De Jesus (Secretarya), Cecil Lobo (Tagasuri), Maria Theresa Villanueva (Tseyr ng Pagsapi), Sonny Boy Manalo (PRO). Katuwang sina Sonia Gementiza (Bise-presidente); Sonia Lourdes David (Tesorero); mga direcktor ng lupon na sina Victoria Baleva at Olivia Haler at dating pangulong Christopher Paras. Sagada & August Friends TimeFriday, August 26 at 7:00pm - August 29 at 12:00pm ________________________________ LocationAssembly @ Cable Tours Beside Trinity U of Asia, Rodriguez St., Q.C. ________________________________ Created ByRoderick Ramos ________________________________ More InfoSAGADA August Holiday Break w/ Outreach 2011 August 26-29, 2011 for only P3,300.00 inclusive of transportation, 3 days/2nights accommodation, and tour packages with tour guides and tourism fees and surprises! Text @ 09187318010 Click for details: http://sagadalibrarianback packers.blogspot.com/ ________________________________ See the attached or click: http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/microsoft-word-policing-plagiarism-copyright-updates September 14, 2011 Policing Plagiarism & Copyright Updates Dear Colleague (s), Welcome to the 32nd Annual Manila International Book Fair! In active participation to the country’s premiere book event, the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc., fully-engaged, member-driven Association, or PAARL, Inc. is pleased to invite you to an afternoon of learning and interaction in a forum focusing on the theme: Policing Plagiarism & Copyright Updates beginning 1pm to 3:30pm on September 14, 2011 at the Meeting Rooms 4-6, SMX Convention Center, SM Mall of Asia, Pasay City. Invited forum speaker shall focus on encouraging the library personnel and information professionals to battle plagiarism ethically. In the course of facing controversies and detection, the lecture shall assist and equip each one with appropriate professional tools in order to cope with observed negative behavioral patterns of both the abusers and the organization’s stance and responses. Session will provide copyright updates, here and abroad, deriving guidelines from knowing the seriousness of the issue. Participants are expected to acquire monitoring attitudes alerting each one to the importance of assessing, through review of works and reports, either online or non-web-based, own information and copyright literacy. There is a registration fee of P300.00 for members, P350.00 for non-members and P200.00 for students to cover lunch and certificates. Renewal and application of membership for 2011 are also encouraged. With renewal and application of membership (fees: Php200.00, individual; Php500.00, institutional) for 2011, an ID is issued plus a 2011 PAARL souvenir pin is given to each individual who registers. For reservations and details, please contact the undersigned or any of the Association’s Officers and Directors. Thank you. Mabuhay ang MIBF! Mabuhay ang 32nd Annual Manila International Book Fair! Sincerely yours, Sonia Gementiza Vice President/Chair, Conference Committee Noted by Roderick B. Ramos President TOUR of PAARL’s Outstanding Libraries on August 22, 2011 PAARL'S Tour of Outstanding Libraries 2003, 2005, 2002 & 2006 ASSEMBLY @ DLSU-Manila Southgate @ 7:30am (August 22, 2011). Please bring an ID w/ PHOTO, snacks and lunch... From De La Salle University-Library (2003) to Miguel Benavidez Library-University of santo Tomas (2005); Asian Development Bank Library(2002) to Rizal Library-Ateneo de Manila University (2006) LIBRARY TOURISTS & GUESTS 1. Nancy De Guia- Southville International School 2. Melissa Odoño- Southville International School 3. Janine M. De Mesa-NYK-TDG Maritime Academy 4. Meychell Angoy-Manila Central University 5. Rosemarie Olan- Manila Central University 6. Rica Janee Santos-Maria Assumpta Seminary 7. Raquel Salvania-College of the Immaculate Conception 8. Jose Tomasito N. Fernando-College of the Immaculate Conception 9. Heherson Cruz-College of the Immaculate Conception 10. Larni C. Velencio-Philippine National Police Academy 11. Michelle Ann T. Montilla-Holy Angel University 12. Adalia Mabalot, Southville International School and Colleges 13. Vilma Padilla, San Juan National High School 14. Lydia de Vera-Centro Escolar University, Malolos 15. Hongbin Pu- Guizhou Normal University (China) 16. Sonny Boy Manalo-TIP-QC 17. Phoebe U. Gallano-TIP-QC 18. Liza F, Riosa-TIP-QC 19. Carolyn R. De Jesus-Letran-Manila 20. Niña Jesusa Cruz-Letran-Manila 21. Aileenette Alcantara-Letran-Manila 22. Amy N. Zantua-Infant Jesus Academy 23. Wilhelmina Luna-San Sebastian College 24. Arnel Franco- San Sebastian College 25. Antonia M. Maranan- San Sebastian College 26. Roderick Ramos-De La Salle University-Manila 27. Marian Pande-CCA 28. Mila Sales- Adventist University of the Philippines-Cavite 29. Ofelia Padilla-Adventist University of the Philippines-Cavite 30. Ian-Ner Cervantes-Adventist University of the Philippines-Cavite ________________________________ From: Roderick Ramos <[email protected]> To: "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]>; "[email protected]" <[email protected]> Cc: "[email protected]" <[email protected]> Sent: Thursday, July 28, 2011 7:46 AM Subject: Isang Altar Para kay Genoveva E. Matute Click also: http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/isang-altar-para-kay-genoveva-e-matute Isang Altar Para kay Genoveva E. Matute Sa payak na paraan na ipinamalas ni Armando Mandy Diaz, Jr., isang superfan ni Nora Aunor, maaaring gayahin o hugutan ng inspirasyon ng mga mag-aaral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas ang nilulunggating museo o altar para sa napakahalagang guro ng pamantasan na pumayapa na noong 2009, si Bibang o mas kilala sa pangalang Genoveva Edroza Matute (GEM). Mula noong 1967, ang batang si Mandy ay nag-ipon na ng mga siniping lathalain (may 47 na bolyum) at sampung (10) album na mga larawan (mula sa 172 na pelikula at mga pabalat na mga magasin at komiks) ng kanyang iniidolong superstar ng kanyang panahon, artista ng All Over the World hanggang sa huling pelikulang napanood ni Diaz, ang Naglalayag (2008). Ayon sa kanyang artikulong, Miracle o Himala, na naisulat bago pumanaw ay di niya hahayaang matupok ng apoy ang kanyang koleksyon bagkus una niya itong ililigtas. Ilan sa mga malalaking larawan ay nakalagay mismo sa pintuan ng kanyang bahay, bintana at maging sa altar. Tinutukoy niyang Nora Aunor Avenue ang lugar na kung saan masusumpungan ang kanyang tirahan. Dito natatagpuan ng mga mananaliksik ang mga dokumentong di mahanap sa mga formal na institusyon na may kaugnayan kay La Nora. At sinumang lalabas at dadaan sa pintuan ng kanyang bahay ay inaasahang magpupugay o magbibigay-galang sa larawang nakadikit dito na tila kilos na iginagawi sa mga santo o rebulto sa Quiapo o Baclaran. Nararapat lamang na ang karubduban ng paghanga ni Mandy ay maipamalas din ng sinumang nais itanghal ang manunulat ng Ang Kuwento ni Mabuti (1951). Ang pagkakaroon ng pag-ibig sa isang dakilang Manilena, dahil na rin sa kanyang kaabaan, nagtinda ng kakanin (sa harapan ng dating San Lazaro, na ngayon ay SM-Manila), gulay (kasama ang isang kapwa guro) at sigarilyo (mula Maypajo hanggang Recto), pagpupursigeng makaahon sa kahirapan (tumigil sa pagtuturo at nag-buy and selling noong panahon ng Hapon), makakamit ng tagumpay (patuloy na pagsusulat) habang guro sa elementarya, hayskul at kolehiyo ng Philippine Normal School (mula PNC na PNU na ngayon) sa loob ng maraming taon (1980-1948) ay sapat upang iluklok sa Dambana ng Hambingan upang pamarisan ng mga guro at iba pang mga propesyunal ng pangkasalukuyang panahon. Hinimok ko ang mga mag-aaral na gawin ngayon sa madaling panahon ang pagaarkayv sa mga personal, historikal o literaryong koleksyong GEM para kay Matute upang di matulad sa mga nagkalat na mga orihinal na kopya ng mga pelikulang Pilipino sa labas ng bansa. Tulad ng 35 mm print ng Genghis Khan ni Manuel Conde ay nasa isang Pinoy na nasa California. Ilan sa mga de-kalibreng pelikula tulad ng Insiang at Bona ni Lino Brocka ay inaarkayv at inaalagan ng tamang-tama o higit pa sa inaasahan ay nasa Pransya, ang Ang Maynila, Bayan ko ay nasa pangangalaga naman ng British Film Institute. Mayroon din sa New York, Singapore, Brussels, Berlin at iba pa na ipinipriserba ng napakahusay upang mapanood pa at mapag-aralan ng marami pang mga henerasyon, lokal at global. Huwag hayaang mawala unti-unti ang anumang mga artifact, memorabilia o memento, mga isinulat sa kamay ni GEM bagkus planuhin agad-agad kung saan hahanapin, anu-ano ang mga titipunin, paano payayabungin, at makapagbibigay ng akses sa balana ng mga ginintuang impormasyong matatamo sa mga alaala ng kahapong nabuo sa pagpupunyagi ng isang 4-time Palanca awardee para sa kanyang mga maiikling katha: Kuwento ni Mabuti (First Prize, 1950-51); Pagbabalik (Third Prize, 1951-52); Paglalayag … sa Puso ng Isang Bata (First Prize, 1954-55) at Parusa (First Prize, 1960-61). Nawa’y di matulad sa di mahanap hanggang ngayon na unang-unang kuwentong nagawa ng ating prolifikong manunulat: Ang Taling (1936). Alamin kung bakit magandang halimbawa ng pagpapahalaga sa mga pelikula ni FPJ, Regal Films, RVQ lalung-lalo na sa koleksyon ng LVN Studio ang ipinamalas ng ABS-CBN Film Archive? Ang ABS CBN, ayon sa SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film), ay ang de facto national audio-visual archive ng bansa... Kinonsulta ng manunulat ang disertasyon ni Montealegre (2004) at ang isang faculty publication ni Del Mundo, Jr., na matatagpuan lamang sa aklatan ng De La Salle University-Manila, http://lib1000.dlsu.edu.ph/search bago magsalita para sa temang Organization of Special Collections sa mga estudyanteng LS at mga opiser ng Kadipan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong umaga ng Hulyo 25, 2011. -- You received this message because you are subscribed to the Google Groups "Filipino Librarians" group. To post to this group, send email to [email protected]. To unsubscribe from this group, send email to [email protected]. For more options, visit this group at http://groups.google.com/group/filipinolibrarians?hl=en.
