----- Forwarded Message ----
From: Rein <[EMAIL PROTECTED]>
To: [EMAIL PROTECTED]
Sent: Wednesday, October 22, 2008 10:50:15 PM
Subject: [ACM_singers] FW: Ang nakalipas na panahon
kamusta na kayo?! :)
------------ --------- -------
Nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?
*kumakain ka ba ng aratilis?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na
tanggkay ng walis tingting?
*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag
di ka natulog?
*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit- lupa, teleber-teleber, luk song
tinik?
*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b,
start?
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London , Cross Colors, Esprit, Blowing
Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman,
voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa
translated sa tagalog?
*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
*gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty
kid kung lalake ka?
*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook
mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at
luging-ging?
*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers
*eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
*cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang
lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga
kaklase mo?
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action
figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa ng singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
*meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung
kending bilog na sinawsaw sa asukal?
*takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
KUNG ALAM MO L AHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM
MO, NASA 23-35 KA...
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG...
DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW
KESA MOUNTAIN DEW?
MAALA-ALA MO PA KAYA?
Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro.
Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking
kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga
anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock
ang mga jeep na Willy's noon. Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan,
may oras tayo sa isat-isa;
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:
trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na
maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na
maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ;
sumpak, pilatok, boca-boca, bora dor, atbp. Di nakikialam ang mga matanda
sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba,
turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip
Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa
kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. .
di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila
tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon... Doon ...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag
maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan
ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado na tin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno;
pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso;
pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi
masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman;
bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong
araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya
ng lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;
matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tin ay -
alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang
libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan;
ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labu yo;
ang duhat kapag inalog sa asin;
ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;
o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising;
matigas na amirol ang mga punda at kumot;
madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba?
Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nag sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang
ina-alaala iyon...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka;
kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo;
meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo,, nakangiti ka pa rin!!Sana'y nag-enjoy kayo sa pagbabasa…God
bless!!!