Greetings brothers!

Habang karamihan sa atin ay abala sa pulitika, negosyo, pamilya at ang 
nakakabahalang H1N1 virus, marami ding kababayan natin sa malayong sulok ng 
bansa ang walang panahong maguluhan sa bulok na sistemang pulitikal..  Wala 
ring paraan upang magtaguyod ng sariling pagkakakitaan.. Ang pamilya na siyang 
sentro at haligi ng lipunan ay unti-unti nang nawawalan ng lakas.. Wala ng 
sakit na maaari pang tumakot sa kanila maliban sa sakit ng kawalan ng pagasa...

Nakita ng mga mata ko ang katotohanang ito sa Northern Samar.. Sa gitna ng mga 
komunidad na ang tanging pag-asa ay nakasalalay sa mga taong may mabuting 
kalooban, makakalimutan mo ang sariling problema, kahit gano man ito kabigat.. 
Kung kaya, heto ako ngaun at kumakatok sa puso ng bawat isa.. Anu mang bagay na 
maaari nating ibahagi sa kapwa, maging pinaglumaang damit o sapatos, lumang 
libro o globo, maayos o sirang kompyuter, maging magagandang idea na 
makakatulong upang mapagkunan ng pagkakakitaan, ay malugod kong tatanggapin sa 
ngalan ng SHIFT foundation na nakabase sa Northern Samar at pinangangasiwaan ng 
mga RSCJ sisters..

Sa bawat ipapamahagi ninyong kagamitan o pera, wala po akong kapalit na 
maipapangako kundi mga panalangin ng pasasalamat.. 

Mabuhay ang spiritu ng pagbibigay at kaisipang boluntarismo!!


www.shiftrscj.org

Reply via email to