this made me laugh..
Minamahal kong anak,
Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang
magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na
bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating
nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan
sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo,
ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko
pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw
bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa
kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng
bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugus-
tuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang
mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at
inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na
pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang
500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial
park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae
o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.
Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan
ako. Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner
ay mga
pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang Terminal
nila?
At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan
kong banggitin sa iyo taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa
TV ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko
nasagot... ikaw anak, alam mo?
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.
Love,
Tatay
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.
Next time na lang ha.
Thank you.
==============================================================================
Blab-away for as little as 1¢/min. Make PC-to-Phone Calls using Yahoo! Messenger with Voice.
How low will we go? Check out Yahoo! Messenger’s low PC-to-Phone call rates.
"From the days of John the Baptist until now, the kingdom of heaven has been forcefully advancing, and forceful men lay hold of it."
Matthew 11:12
Do you want to be a World Changer?
http://groups.yahoo.com/group/worldchangers2010/
<img src="" href="http://www.danasoft.com/sig/go0dspeed.jpg">http://www.danasoft.com/sig/go0dspeed.jpg">
SPONSORED LINKS
| Christian fellowship | Jesus christ | Computer security |
| Computer training |
YAHOO! GROUPS LINKS
- Visit your group "worldchangers2010" on the web.
- To unsubscribe from this group, send an email to:
[EMAIL PROTECTED]
- Your use of Yahoo! Groups is subject to the Yahoo! Terms of Service.
