Note: forwarded message attached.
---------------------------------
Sick sense of humor? Visit Yahoo! TV's Comedy with an Edge to see what's on,
when. --- Begin Message ---
to all those who are working so hard...please take time to read this short but
meaningful story...it was only forwarded to me...i had to cut and paste it
because the trail of forwarding this email was already too long...
50 Pesos Isang Oras
Isang araw, may isang lalaking gabi na umuwi ng bahay na pagod na pagod at
naiinis, nang maratnan niya ang kaniyang maliit na anak na naghihintay sa kanya
sa may pintuan.
"Tatay, puwede po bang magtanong?" "Sige, ano yon?" tugon ng ama.
"Tatay, magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?" "Wala ka na
roon� ba't ka ba nagtatanong pa ng ganyan, ha?" galit na sinabi ng ama.
"Gusto ko lang po kasing malaman� sige na po, pakisabi n'yo na po kung
magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?" ang paki-usap ng paslit.
"Kung kailangan mo talagang malaman ay nakaka-50 pesos ako isang oras."
"Ah," tugon ng paslit habang nakayuko at lumingon paitaas sa kanyang ama upang
sabihin�
"Tatay, puwede po bang maka-utang sa inyo ng 25 pesos?"
Lalong nagalit tuloy ang ama.
"Kung ang dahilan lang ng pangungutang mo ay para makabili ka ng walang
kwentang laruan o walang katuturang ibang bagay, mabuti pa pumunta kang diretso
sa kwarto mo at matulog ka na, at isipin mo kung bakit ka nagiging makasarili."
"Nagpapakahirap akong magtrabaho araw-araw, wala akong panahon sa ganitong
pambatang kalokohan."
Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid at isinara ang pinto.
Naupo ang lalaki na lalong nagalit tungkol sa mga tanong ng paslit.
"Lintik na bata yon ah, magtatanong ng gan'un para lang makakuha ng pera."
Makalipas ang higit sa isang oras, ang lalaki ay nahimasmasan at nagsimulang
mag-isip na masyado naman yata siyang naging marahas sa kaniyang anak.
"Siguro mayroon talagang importan teng bagay siyang bibilihin sa halagang 25
pesos... Kung sa bagay, bibihira naman siyang manghingi ng pera, eh."
Kung kaya't ang lalaki ay nagtungo sa silid ng kanyang anak at binuksan ang
pinto nito.
"Tulog ka na ba, Anak?" tanong niya.
"Hindi pa po, Tatay. Gising pa po ako." tugon ng bata.
"Ini-isip ko na sobra naman yata ako sa `yo kanina, eh," ang sinabi ng lalaki.
"Medyo napagod kasi ako maghapon, kung kaya't ikaw tuloy ang nabalingan ko...
O, heto na ang 25 pesos na hinihingi mo."
Naupo kaagad ang paslit habang nakangiting kinuha ang pera at malakas na
nagsabing, "Salamat po, Tatay!"
Pagkatapos ay mayroong ina-abot ang paslit sa ilalim ng kanyang unan, at saka
binunot ang mga gusut-gusot na pera
"Kasi po ay kulang pa po ang pera ko kanina. Pero, ngayon po ay kumpleto na
po," ang tugon ng paslit.
"Tatay, mayroon na po akong 50 pesos ngayon. Puwede na po bang bayaran ko na
lang po ang isang oras ninyo para po umuwi po kayo ng maaga bukas, kasi po,
gusto ko pong magkasabay naman po tayong kumain kahit po sana sa hapunan, eh."
Sa sinabing iyon ng kanyang anak, natigilan ang ama� dali-dali niyang
niyakap ang kanyang anak!
Ipamahagi ang kuwentong ito sa mga taong nais ninyo� ngunit mas mabuti
pang ibahagi ninyo ang 50 pesos na halaga ng inyong panahon sa mga taong mahal
ninyo.
Ito ay isang munting paalala para sa inyong lahat na labis na abala sa
paghahanap ng ikabubuhay.
Hindi natin dapat hayaan pang makawala sa ating mga kamay ang mga oras, nang
hindi man lamang natin nabibigyan ng panahon ang mga taong malapit sa ating
puso.
---------------------------------
Got a little couch potato?
Check out fun summer activities for kids.
--- End Message ---