Nag-aaral ako sa La Salle.


Ang dami kong kaklaseng Intsik.  Apelyidong  Uy, Lim,
Tan, Co, Go, 

Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa.  Pero sa
kanilang lahat kay 

Gilbert Go ako naging malapit.  Mayaman si Gilbert
kaya mangyari pa, 

madalas siya ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.



Isang araw na-ospital ang kanyang ama.  Sinamahan ko
siya sa 

pagdalaw.  Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa
stroke.  Naron 

din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak.



Nag-usap sila.  Intsik ang kanilang usapan.... hindi
ko maintindihan.



Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan
nang umuwi.  

Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama
habang 

inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng
ospital.  

Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ng kanyang ama
para ilapag 

ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng
magbabantay 

sa ospital.  Nang akmang ilalapag ko na ay biglang
nangisay ang 

matanda.



Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang
kanyang palad 

at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na
hindi ko 

maintindihan.



"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"...
"Di ta guae yong

khee"..  paulit-ulit nya itong binigkas bago siya
malagutan ng hininga.



Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. 
Ikinagulat nya ang

pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na
papanaw na ang

kanyang ama.  Walang tinig na namutawi sa kanyang
bibig.  Ngunit 

iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan
ko.



Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin
uli ang 

kanyang mga kamag-anak.



Sumakay ako ng taksi pauwi.  Habang nasa taksi..
tinawagan ko ang 

iba pa naming kabarkada.  Una kong tinawagan si Noel
Chua.  Dahil 

marunong si Noel mag-intsik,  tinanong ko muna kung
ano ang ibig 

sabihin ng "Di ta guae yong khee".



"Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba
narinig 'yan?".





Send instant messages to your online friends http://uk.messenger.yahoo.com 


"From the days of John the Baptist until now, the kingdom of heaven has been 
forcefully advancing, and forceful men lay hold of it." 
Matthew 11:12

Do you want to be a worldchanger?
http://groups.yahoo.com/group/worldchangers2010/

 
Yahoo! Groups Links

<*> To visit your group on the web, go to:
    http://groups.yahoo.com/group/worldchangers2010/

<*> Your email settings:
    Individual Email | Traditional

<*> To change settings online go to:
    http://groups.yahoo.com/group/worldchangers2010/join
    (Yahoo! ID required)

<*> To change settings via email:
    mailto:[EMAIL PROTECTED] 
    mailto:[EMAIL PROTECTED]

<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
    [EMAIL PROTECTED]

<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
    http://docs.yahoo.com/info/terms/
 

Reply via email to