tutuong-tutoo ito (coming from an OFW like, and manong knows it...d b manong?)

richard gambe <[EMAIL PROTECTED]> wrote:                             

--- On Tue, 8/26/08, Rosalie Estrella <[EMAIL PROTECTED]> wrote:
 From: Rosalie Estrella <[EMAIL PROTECTED]>
Subject: [are_wethere_yet] Fw: HAY BUHAY AMERICA TALAGA
To: "Leslie Estrella" <[EMAIL PROTECTED]>, "EMILY M. PAMPLONA" <[EMAIL 
PROTECTED]>, "Aileen Villanueva" <[EMAIL PROTECTED]>, [EMAIL PROTECTED]
Date: Tuesday, August 26, 2008, 5:51 AM

      

 
                         
   
       
   
      HAY BUHAY AMERICA TALAGA 
A friend named "Maeng Ni" posted this.
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.

  

 Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka 
ng pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. 
Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, 
kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga 
kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

  

 Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka 
bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang 
jeepney, tricycle o padyak sa America . 

  

 Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase 
pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa 
kapitbahay kase busy din sila 
maghanap buhay pangbayad ng bills nila. 
  
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, 
Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para 
makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong 
pinangbayad sa ticket. 
  
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, 
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America .  Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa 
presyong dolyar mo din gagastusin. 
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng 
sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America 
$1,000++. 
  
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang 
totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.  
  
Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap 
maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag 
dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun 
din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa 
ibang bansa.  
  
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang 
buksan ang bintana ng katotohanan. 
  
  
 
 

   
  
 
---------------------------------
 
 New Email addresses available on Yahoo! 
Get the Email name you've always wanted on the new @ymail and @rocketmail.
Hurry before someone else does! 
  
 



























        
     
                                       

       

Reply via email to