para sa nag comment  nito:

>para kasing yung mga naunang nanominate eh mga siga lang sa kanto and not
>known to anyone kaya tuloy may naooffend.

eto lang ang masasabi ko, bilang isang miyembro ng board.
Ang mga unang na nominate sa PLUG board ay mga taong may contribution
libang higit sa pagpo-post lamang ng sagot sa mailing list. Karamihan dito
ay mga naunang nag campus tour sa Luzon para palaganapin ang Linux at Open
Source, marami din sa kanila ang nagbibigay ng libreng talk sa PLUG
Technical Session. Kung hindi mo man kilala ang mga ito, iisa lang ang
ibig sabihin, hindi ka aktibo sa PLUG at hindi mo alam ang mga nangyayari,
kaya bago ka magsalita ng ganyan tanungin mo muna kung ikaw ba ang mas may
karapatan na maging board o miyembro? Ngayon, ano ba ang nagawa mo para sa
PLUG, kung tutuusin napaka altruist namin para isama ka pa. Ano ba ang mga
nagawa ng board ngayon sa kanilang term, yan ang dapat mong alamin.
Malaking bagay na nakilala ang PLUG sa pagsulong ng Open Source katulad ng
nakaraang IOSN conference sa Cambodia kasama ni Stallman, ang Open Source
Conference ng nakaraang taon sa Shangri-la, at ang katatapos lang na
LinuxWorld Conference, ang pagbibigay ng libreng technical session at
seminar sa ibat ibang universities, ilan lamang ito sa mga nagawa ng PLUG
sa pamumuno ni Marvin at ng PLUG board. Ikaw? may contribution ka ba? kung
naiinis ka dahil hindi mo nanominate ang kilala mo dati, ni-nominate mo
sana ang sarili mo, nakilala ka pa sana namin. Pagkakataon mo na para
ino-minate ang sarili mo, at pilitin mong magbigay ng mabuting
contribution hindi puro ka dada...
_________________________________________________
Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List
[email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph)
Read the Guidelines: http://linux.org.ph/lists
Searchable Archives: http://archives.free.net.ph

Reply via email to