Noong Biy, Peb 10, 2006 ng 11:58:26AM +0800, sinabi ni Melvin Dave Vivas:
> yun nga nadinig ko
> 
> On 2/9/06, eric pareja <[EMAIL PROTECTED]> wrote:

> > Hindi ko pa nasubukan sa Mac Mini, pero umaandar ng maayos sa iBook G4
> > na gamit ko. Wala lang wifi yung iBook na gamit ko kaya medyo
> > nakakainis.

Melvin,

Mayroon nang experimental device driver para sa Airport Extreme[1],
ngunit wala talagang wifi card yung iBook na gamit ko. Yung Mac Mini
naman ay aandar ng maayos, yun nga lang, baka mapilitan kang gawing
"wired" ito.

May mga ilang kakulangan pa ang Linux PowerPC na maaaring hadlang sa
paglipat dito, pero maaari pa rin itong gamitin sa karamihan ng mga
gawaing pang-araw-araw at maging sa pag-debelop dito. 

Ilan sa mga kakulangan:

 - walang malinaw na Java Runtime Environment na bago na tiyak na
aandar sa Linux PPC. Hindi ko pa nasusubukan ng husto yung J2RE mula
sa IBM para sa Linux PPC, pero yun lang ang alam kong j2re na 1.5 na
pang Linux PPC.

 - walang matinong Macromedia Flash plugin para sa Linux PPC. ang mga
umaandar na Flash plugin sa Linux PPC ay kadalasan na nakakapagpabagal
ng response time ng OS; kung bakit, hindi ko alam.

Bagamat may mga kakulangan pa ang Linux PPC, sa kabuuan ay maganda ang
aking karanasan sa paggamit nito sa iBook sa halip ng MacOS X. Bukod
sa pagiging karaniwan ang kapaligiran na ginagamit ko sa iba't ibang
mga makina (maging Intel, Alpha o PowerPC), maganda ang nagiging
performance ng sistema sa takbo ng Linux.

Sana ay nakatulong ito.


-
[1] http://bcm43xx.berlios.de
-- 
___  Eric Pareja (xenos AT upm.edu.ph) | Information Management Service  [IMS]
\e/  Network and Systems Administrator | University of the Philippines Manila
_v_  [ http://www.upm.edu.ph/~xenos ][GPG: B82E42D9][http://tinyurl.com/68dkm]
 "Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay higit pa sa malansang isda."

Attachment: signature.asc
Description: Digital signature

_________________________________________________
Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List
[email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph)
Read the Guidelines: http://linux.org.ph/lists
Searchable Archives: http://archives.free.net.ph

Reply via email to