Nais ko sanang ipaalala na mag-ingat sana tayo sa paggamit ng wikang Ingles, dahil maraming banyaga sa list na ito. Alam natin na nauunawaan nila kung tayo man ay nagkakamali sa Inglisan, dahil maayos naman at maaari pa ngang ipagmalaki ang ating kaalaman sa Linux. Hindi ba napakaganda kung ang ating malalim na kaalamang-Linux ay ating naipapahayag sa wasto at masinop na Ingles? Ako man ay madalas magkamali, nguni't sinisikap ko na mapagbuti ang aking pagsulat. Maraming nagsasabi na nakaka-ungos daw tayo sa ibang bansang Asyano kung IT ang pag-uusapan, dahil marunong daw tayong bumasa ng Ingles. Sana ay marunong din tayong sumulat.
Kung tinamaan kayo ay huwag sanang magdamdam. May kasabihan na ang pagpuna raw ay pagmamahal. PMana _ Philippine Linux Users Group. Web site and archives at http://plug.linux.org.ph To leave: send "unsubscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED] Fully Searchable Archives With Friendly Web Interface at http://marc.free.net.ph To subscribe to the Linux Newbies' List: send "subscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED]
