On Sun, Feb 02, 2003 at 08:02:31AM +0800, Pablo Manalastas wrote: > Dalawang ulit mong nabanggit na ang Linux ay "alternatibong software". > Para bang sinasabing "alternatibo" lamang ito.
Salamat at binigyan puna ni Pablo ang paggamit ko mga salitang "alternatibo" tungkol sa Linux. Bagama't hindi ko ginagamit ang Linux bilang alternatibo kundi ito na mismo ang siyang ginagamit kong platform sa trabaho at sa bahay sa pang-araw-araw, nangingibabaw pa rin para sa karamihan ng mga gumagamit ng computer na kinikilala nila ang Linux ay ang alternatibong software na maaari nilang subukan. Para sa karamihan, ang katotohanan ay ang dating monopoliya ng kumpanya mula sa Redmond ang siyang naghahari at nangingibabaw. > Tayong nasa PLUG > ay dapat magbago ng pananaw - para sa atin, ang Linux ay ang > nangingibabaw o "mainstream software", hindi pangalawa lamang sa > Windows, dahil sa totoo lamang, kung mga makinang pang-Internet > ang pag-uusapan ay walang tatalo sa dami ng makinang-Linux. Sang-ayon ako dito. Mangyari lamang na hindi pa ito naipapaliwanag sa marami at ang nakikita nilang madalas na gamit na software ay yung nakasanayan na nila na mula kay Bill at ang kanyang kumpanya. Bukod dito, hindi rin lahat ng gumagamit ng computer dito ay nakakagamit ng Internet. Magandang ipagpatuloy natin sa PLUG ang pagpapalawak at pagpapataguyod ng paggamit ng Linux sa iba't ibang larangan, maging sa industriya, sa academe, o sa bahay. Sana ay dumating ang araw na hindi lamang tayong nasa-PLUG at ibang mga Linux user groups ang maaaring magsabi na hindi lamang alternatibo ang Linux. Sana din ay dumami ang magsusulat o tutulong sa mga nagsusulat ng mga application na pangkaraniwang at 'di pangkaraniwang ginagamit ng ating mga kababayan. Dahil hindi naman ang OS lamang ang nagiging batayan ng pagtanggap nito kundi pati na rin ang mga application na papaggamitan nito, sana ay magsikap din tayong ipalaganap ang mga application na maaaring maging pang-akit na gumamit ng Linux o ibang Free Software. Malaking hakbang para sa atin na may mga software katulad ng OpenOffice.org, AbiWord at iba pang mga office productivity suite na maaaring ipamalas sa ating mga kababayan na mayroon silang magagamit na katumbas ng nakasanayan na nila na software. Sana ay dumami pa lalo ang masasabing mga software na magagamit ng ninuman upang piliin nilang gamitin ang Free Software o Open Source Software. eric -- ___ _____________________________ eric pareja (xenos AT maharlika.upm.edu.ph) \e/ [ Philippine Linux Users' Group ] Linux User #8159 http://counter.li.org _v_ [ Python Power! ] [ Debian Rocks! ] [ Unwitty Saying Here! ] [] Software & ___ [ Free the books! http://www.bookcrossing.com/referral/pusakat ] Freedom "Open the doors so you don't have to go through windows." - e. pareja [<http://catalog.com/hopkins/unix-haters/login.html>] _ Philippine Linux Users Group. Web site and archives at http://plug.linux.org.ph To leave: send "unsubscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED] Fully Searchable Archives With Friendly Web Interface at http://marc.free.net.ph To subscribe to the Linux Newbies' List: send "subscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED]
