On Mon, 3 Feb 2003 14:09:43 +0800 "VELASCO, Elver B." <[EMAIL PROTECTED]> wrote:
> > > Para bang sinasabing "alternatibo" lamang ito. Tayong nasa PLUG > > ay dapat magbago ng pananaw - para sa atin, ang Linux ay ang > > nangingibabaw o "mainstream software", hindi pangalawa lamang sa > > Windows, dahil sa totoo lamang, kung mga makinang pang-Internet > > ang pag-uusapan ay walang tatalo sa dami ng makinang-Linux. > > Mayroon ba tayong mga civic organizations/NGO na tumatanggap ng computer donations? >Bakit di tayo magkaroon ng isang activity na kung saan ang mga computer donations >galing sa mga ibang kumpanya ay ating lagyan ng linux at ipamahagi sa mga paaralan? >Sa ganitong paraan, lalo nating mapapalawak ang pagiging "mainstream" ng linux. Kung >mayroon kayong alam ng organisasyon para dito, pakisabi at baka makatulong ako... Dito sa Dabaw sinisimulan namin ang isang proyekto kung saan ang isang paaralang pang elementarya ay tinutulungan namin na makahanap ng mga may magagandang loob na magbigay ng mga kompyuter para sa paaralan nila. Ang proyektong ito ay nagsimula nang makatanggap ako ng liham galing sa isang principal. Humingi siya ng tulong upang magkaroon ng mga kompyuter na magamit ang mga bata. Sa ngayon meron nang dalawang tao na interesadong tumulong sa proyektong ito. Isa ay taga Englatera at ang isa naman ay Filipino na nasa Amerika. Pareho silang gustong magbigay ng mga kompyuter sa paaralan. Nakausap ko na rin ang ilang guro at payag naman sila sa paggamit ng mga kagamitang-kompyuter na may bukas at malayang koda. Kung meron man ditong nais na tumulong sa proyektong ito, maari lamang na lumiham sa akin sa [EMAIL PROTECTED] Maraming Salamat. Holden _ Philippine Linux Users Group. Web site and archives at http://plug.linux.org.ph To leave: send "unsubscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED] Fully Searchable Archives With Friendly Web Interface at http://marc.free.net.ph To subscribe to the Linux Newbies' List: send "subscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED]
