Magandang gabi, Mahirap magsalin ng mga babasahin. Lalung-lalo na kung ang mga ginagamit na mga salita ay terminong gawa-gawa din, angat-patong mula sa iba't ibang mga wika. Ang mahirap din ay napakalaki ng inertia laban sa pagsulong at pagpalago ng sariling mga termino upang lumaganap ang paggamit nito sa pangkaraniwan. Ito siguro ang isa sa mga unang hadlang sa pagsalin ng mga babasahin tungkol sa Linux, ngunit ito ay isa sa mga adhikain na siyang gusto kong anyayahan ang lahat na makatulong.
Malinaw na isa sa mga kakulangan natin ay ang pagpalaganap ng teknolohiya na siyang gumagamit ng sarili nating wika. Isa na sa mga halimbawa ng teknolohiya na nakasalin sa sarili nating wika ay ang paboritong cellphone, na hindi lamang ang "instruction manual" ang nakasalin, kundi pati na rin ang mga "menu" at "user interface" ng mga ito. Samantalang ang GNU/Linux ay hindi lamang libre (walang bayad), ito ay malaya at walang hadlang sa pagkopya at pagpamigay nito, nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay nasa wikang banyaga lamang ang mga babasahin tungkol dito. Hindi naman para sa marunong lang mag-Ingles ang GNU/Linux. Panahon na na isalin ang mga piling bahagi ng "Linux Documentation Project" sa wikang Filipino. Malayo pa ang paglalakbay na kailangan kong daanan bago ako maging dalubhasa o mahusay na tagasalin, ngunit nais kong may mga kasabay ako sa paglakbay na ito. Kung ikaw ay interesado na lumahok sa gawaing ito, mangyari po lamang na padalhan ako ng email at tayo'y magbubuo ng isang mailing list kung saan natin ito mapapag-usapan at maisasagawa. Kung wala kang naunawaan, ipagpaumanhin mo na lang ang kahinaan ng aking pag-gamit ng Filipino. -- ___ eric pareja ([EMAIL PROTECTED]) User #8159 http://counter.li.org \e/ [ Chiba City: A Cyberpunk MUSH - http://chibacity.erisian.net ] GNU/Linux v [ Philippine Linux Users' Group + http://plug.linux.org.ph ] Software & [ IRC /join #plug @irc.free.net.ph every evening 10pm onwards ] Freedom "...the symbol is nothing. It is the reality behind every symbol that is all." _ Philippine Linux Users Group. Web site and archives at http://plug.linux.org.ph To leave: send "unsubscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED] To subscribe to the Linux Newbies' List: send "subscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED]
