Ginoong Eric,
nakatutuwang isipin na magkarooon ng isang lathalain patungkol sa
"Linux" na salig sa ating sariling wika. At naniwala ako na marami ang
masisiyahan at makikinabang kapag nagkatotoo ang simulaing ito. Kaugnay
nito, nais ko ring ibahagi ng buong puso ang aking kaunting nalalaman upang
makatulong sa abot ng aking makakaya. Bagamat may mga salita ka kaylanman ay
hindi natin maisasalin sa wikang tagalog kagaya na nga ng "Linux" at marami
pang iba.
Mabuhay
Jon
> Noong: Fri, 21 Jun 2002 03:01:07 +0800
> eric pareja <[EMAIL PROTECTED]> kanyang minutawi:
>
> +>|Magandang gabi,
> +>|
> +>|Mahirap magsalin ng mga babasahin. Lalung-lalo na kung ang mga
> +>|ginagamit na mga salita ay terminong gawa-gawa din, angat-patong mula
> +>|sa iba't ibang mga wika. Ang mahirap din ay napakalaki ng inertia
> +>|laban sa pagsulong at pagpalago ng sariling mga termino upang
> +>|lumaganap ang paggamit nito sa pangkaraniwan. Ito siguro ang isa sa
> +>|mga unang hadlang sa pagsalin ng mga babasahin tungkol sa Linux,
> +>|ngunit ito ay isa sa mga adhikain na siyang gusto kong anyayahan ang
> +>|lahat na makatulong.
>
_
Philippine Linux Users Group. Web site and archives at http://plug.linux.org.ph
To leave: send "unsubscribe" in the body to [EMAIL PROTECTED]
To subscribe to the Linux Newbies' List: send "subscribe" in the body to
[EMAIL PROTECTED]