..."an exclusive fraternity" (for those known individuals. I missed the days 
when PLUG was once an open community....
Couldn't we give them a chance?)


nagkakamali yun nagsabi nito. kung tutuusin, isa ako sa mga binigyan ng pagkakataon maglingkod sa PLUG. karamihan sa mga directors ngayon ay nagkakila-kilala lang sa "linux road trips/seminars" noong mga nakaraang taon sa pangunguna ni marvin pascual. hindi kami magkakakilala noon pero nagkasama-sama kami dahil sa kagustuhan naming (mas) itaguyod ang F/OSS sa pinas.

"known individuals?" marahil sa malimit naming pagbo-"volunteer". subukan nyo minsan at makikilala ka din sa iyong kabutihang loob. at kung tutuusin, hindi natin kailangan maging officer ng PLUG para maglingkod. hindi namin hinangad maging officer noon, masaya na kami na nagbabahagi ng aming
kaunti kaalaman hingil sa gnu/linux.

"open community", mas open/accessible/active ang PLUG ngayon. "mind set" lang siguro ng karamihan gaya ko dati. elitista din ang dating sa akin ng PLUG noon pero nagkamali ako. natural lang talaga na mayroon kayong hindi magugustuhan sa mga nababasa nyo sa kahit saang mailing-list. "cowboy" ang
mga officers at miyembro ng PLUG.

kung mayroon kayong magandang hangarin para sa PLUG at sa mga miyembro / magiging miyembro nito, hinihikayat namin kayo na maging aktibo at maglingkod (na walang hinihingi na kapalit). pero kung
inaakala nyo na may sweldo kami sa pagiging officer, eh nagkakamali kayo :)

-- ariz jacinto



_________________________________________________
Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List
[email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph)
Read the Guidelines: http://linux.org.ph/lists
Searchable Archives: http://archives.free.net.ph

Reply via email to