Horatio B. Bogbindero wrote:
hmmm. if we want to make our CS programs more relevant to the needs of the industry why not teach COBOL, CICS and other legacy stuff.
hehehe.
noon estudyante pa lng ako noon, lagi akong nagre-reklamo sa mga itinuturing kong obsolete na subjects. gusto ko kasing mag focus sa emerging tech noon kaya basa ako ng basa regarding emerging tech while skipping classes. kaya pagka graduate ko noon, nagturo din ako sa alma mater ko. sinubukan kong baguhin yun sistema. nagustuhan naman ng mga idelaistic na estudyante pero madalas akong mapag sabihan hinggil sa paglagpas sa kurikulum na ipinatutupad ng CHED. hehehe.
then after a while, na realize ko na nagsisimula na akong maging obselete kaya nag shift ako ng career. eto nga't exciting ang mga napuntahan ko pero na-realize ko na sa bandang huli, hindi lang pala puro tech ang dapat kong malaman kundi pati management,etc.
dapat pala, matutunan ko na yun mga tech na haharapin ko for the next 10 years para hindi ako matulad sa mga naging superiors ko at hindi maging kahihiya sa mga magiging subordinates ko. same cycle din pala tulad noon nag aaral pa ako.
from the way i see it,sa pinoy IT setting pala it doesn't matter kung gaano ka kagaling sa tech. it takes more than the IT skills, mas malaking factor pala ang politics, social, etc.
kaya wag na kayong magreklamo kung kulang yun itinuturo sa klase dahil hindi lang naman iyon ang basehan ng magandang kinabukasan.
-- Ariz C. Jacinto, ECE Systems Operations SPI Technologies-PS
-- Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List [EMAIL PROTECTED] (#PLUG @ irc.free.net.ph) Official Website: http://plug.linux.org.ph Searchable Archives: http://marc.free.net.ph . To leave, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/plug . Are you a Linux newbie? To join the newbie list, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/ph-linux-newbie
